Ang Discussion Pack na ito ay mapagkukunan ng tulong na talakayin ang maliliit na pananalakay at mapag- aralan kung paano tumugon dito. Inaasahan naming partikular na makapagbigay eto sa mga magulang at sa mga lolo at lola ng mga kasangkapan na makakatulong sa kanilang mga anak kung sila ay humaharap sa maliliit na pananalakay at nang maunawaan nila ang kahalagahan ng pagtugon sa rasismo.
Ang Paketeng eto ay nagbibigay ng: mga halimbawa ng maliliit na pananalakay, ng paliwanag kung bakit eto ay nakasasakit, ng mga mungkahi kung paano tumugon, at mga katanungang pantalakayan.
Ang Paketeng eto ay maaring gamitin kapag ang isang taong kilala mo ay nakakaranas ng maliliit na pananalakay, o sa anumang oras. Maari nating harapin ang rasismo sa pagtugon sa panahong eto ay nangyayari, subalit mahalaga rin na eto ay talakayin sa ating pang araw ara na pamumuhay.Hinihikayat naming kayong basahin ang mga kards na eto kasama ang isang mahal sa buhay at talakayin nyo kung mayroon kayong karanasan ng maliliit na pananalakay na kagaya ng nakasulat sa mga kards. Pagkatapos, ay gamitin ang listahan ng talakayang pangkatanungan upang pag usapan pa nang lubos ang karanasan. Kapag tinalakay natin ang mga nangyari sa atin, mas lubos nating nauunawaan kung paanong ang mga karanasang may kinalaman sa rasismo ay nakaapekto sa atin.
Ang mga kards ay nahahati sa mga lugar kung saan ka maaring maharap sa maliliit na pananalakay: sa publiko, sa trabaho, sa paaralan, at sa iyong personal na buhay. Ang huling seksyon ay nagpapalabas ng lahat ng mga katanungang pantalakayan na maaari mong magamit sa iyong pamilya upang pag usapan ang rasismo at maliliit na pananalakay.