EN

简体

繁體

한국어

FIL

Việt

日本語

العربية

SPA

ਪੰਜਾਬੀ

فارسی

MENU
PangunahingTungkol saMapagkukunan

EN

CN

KR

JP

TL

A group photo of the team on Zoom. Everyone is smiling and posing for the picture. The people from left to right are: Lucas, Grace, Stacey, Mingji, Marielle, Nicole, and  Alysha.

Tungkol sa aming Grupo at Proseso

Ang proyekto ay nagsimula noong 2020 sa pagsisikap ng grupo ng mga taong mula sa pinagsama-samang generasyonat kultura na may pokus sa rasismo kontra-Asyano. Noong Taglagas 2020, nagdaos ang grupo ng online na talakayan kasama ang 30 tao na nagsasalita ng Tsino at Koreano, nasa hustong edad at mga matatanda, saLangley, Surrey, at lower mainland, BC. Ginamit ng grupo ang design process upang ilagay sa kategorya ang mga karanasan ng mga tao sa pagiging katangap-tangapat sa rasismo sa Canada. Kumukuha mula sa pagsasaliksik na ito at sa sarili nilang mga karanasan, sila’y lumikha at nagpalago sa mga ideya para magawa ang website na ito. Isang bukas na pagbabahagi at proseso ng talakayan ang naghikayat sa kanila na palaguin ang kanilang pananaw tungkol sa rasismo at ang kanilang mga tungkulin sa pagtugon dito.  Noong 2021 isang grupo ng mga boluntaryo na tinatawag na Mga Kampyon ng Komunidad ay pinalawak ang proyekto upang isama ang mga iba't ibang komunidad ng Surrey. Ang grupo ay tumanggap ng kritikal na pagsasanay sa rasismo at natutuhan kung paano tumugon at mag-ulat sa mga awtoridad ng mga krimen sa poot at insidente ng rasismo. Nakipag-ugnayan ang grupo sa mga komunidad sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng mga okasyon sa maraming wika kabilang ang Arabic, Farsi, Korean, Mandarin, Punjabi, at Espanyol. Sama-sama nilang pinadali ang maayos na pagpapatakbo ng malapit sa 40 okasyon upang maitaas ang kamalayan sa rasismo at krimen sa poot.

Tungkol sa Koponan

Si Nicole Wang ay sumali sa Options noong 2016 bilang isang boluntaryo at ngayon ay isa ng cultural broker, facilitator,  at tagasalin ng wikang nakasulat at pasalita.Siya ay dumayo at nanirahan sa Canada noong 2011 mula sa Tsina. Isa sa mga gusto niyang gawin ay makipagkaibigan sa iba’t ibang edad ng tao. Iniisip niyang marami siyang matututunan sa kanila. Hilig niya rin ang magbasa, maglakbay, at magluto.

Nicole is posing for a picture and looking at the camera. She is smiling and resting her hand against the side of her face.

Nicole Wang

Si Marielle ay isang taga-disenyo at ilustrador mula sa Vancouver na may pagmamahal sa anumang bagay na may kinalaman sa komunidad. Siya ay nabibilang sa ikaapat na henerasyon ng mga Chinese Canadian na nag-ugat mula sa Chinatown ng Vancouver at sa probinsya ng Canton sa Tsina. Karamihan sa kanilang mga trabaho ay nakasentro sa pag-disenyo para sa kabutihan at sa paglikha ng kagalakan. Sa kaniyang libreng oras, siya ay malimit na nakikilahok sa mga aktibidad sa Chinatown ng Vancouver, pagpapalayok, at paggugol ng dekalidad na oras upang makapiling ang kanyang pamilya.

Marielle is in the middle of the picture. They are resting their elbow on their knee and looking into the camera.

Marielle Sam-Wall

Sumali si Lucas sa Options noong 2019, at siya ay nagtatrabaho bilang coordinator sa pagsasalin/interpretasyon ng mga wika para tulungan ang komunidad. Ipinanganak siya sa masiglang siyudad ng HongKong at dumayo at nanirahan sa Canada noong siya ay limang taong gulang. Kapag wala sa trabaho, siya ay nalilibang sa paglalaro ng anumang larong may raketa, manood ng mga palabas tungkol sa pagluluto sa YouTube (pero hindi siya nagluluto) at ng mga anumang may kinalaman sa kultura at pagkain (matcha, soba, udon) ng mga Hapones.

A picture of a cat with a squished face who has a small soccer ball on his head (Lucas did not want a photo of him).

Lucas Ho

Si Grace, na nagmula sa South Korea, ay bago pa lamang sa Canada. Siya ay isang social worker na nagtrabaho sa mga NGO sa iba’t-ibang bansa. Siya ay namahala ng mga proyekto sa Tanzania, Malawi, Burundi at Cambodia upang mapahusay ang pagpapaunlad sa mga komunidad, kasama ang women and youth empowerment, pagpapababa ng kamatayan at kapansanang dulot ng mga preventable disease, at ang pagpapalakas ng boluntaryong programa para sa ibang bansa.

Si Grace ay may M.A. sa International Development Cooperation. Bilang isang bagong imigrante, nalalaman at nauunawaan niya ang buhay bilang isang estranghero at umaasang ang kanyang kaalaman at karanasan ay makatutulong sa komunidad ng mga Korean sa Canada.

Grace is in the middle of the photo, looking over her shoulder back at the camera. She is smiling and looks very happy in the photo.

Grace E.H. Lew

Mula pa noong 2012, nagtatrabaho na si MingJi bilang isang support worker upang tulungan ang mga imigrante at refugees na makapasok sa mga klase tungkol sa pag-aaral ng wikang Ingles na pinatatakbo ng mga non-profit organization. Siya ay ipinanganak at lumaki sa Hilagang-silangan ng Tsina hanggang makatapos ng kolehiyo, at dumayo sa Vancouver upang mag aral noong 2000. Siya ay nalilibang sa baking, pagluluto, gayundin sa paglalaro ng jigsaw puzzles at badminton. Si MingJi ay nakatapos ng batsilyer sa Human Geography mula sa Simon Fraser University.

Mingji is standing in the middle of the photo wearing a scarf and a winter's jacket. There are lights around her and a pathway behind her.

MingJi Wang

Si Alysha ay isang mag-aaral, educador, facilitator, mananaliksik at tagapagtaguyod ng komunidad na nagtatrabaho sa Social Innovations Hub ng Options.  Sa nagdaang sampung taon, siya ay nagtrabaho kasama ng mga imigrante at refugees sa Estados Unidos at sa Canada, sa mga proyektong pagkaugnayang komunidad na ginagabayan ng mga konsepto ng pagbabahagi ng kapangyarihan (power sharing), pagbibigay at pagsusukli nito (reciprocity), at pangkulturang pagpapakumbaba (cultural humility). Ang kanyang trabaho ay ginagabayan ng mga pedagohiyang kontra-rasista at makatarungan. Si Alysha ay may Master’s degree sa Human Geography mula sa University of South Carolina. Mahilig siya ng baking at isa ring abalang puppy mom.

Alysha is smiling and laughing while looking into the camera. The photo is bright with the background out of focus and her in focus.

Alysha Baratta

Si Stacey ay isang masigasig na boluntaryo at tagapagtaguyod ng komunidad na naninirahan sa siyudad ng Langley. Siya ay nagboboluntaryo sa Options mula pa noong 2017. Namumuno siya sa mga proyektong may kinalaman sa sining para sa mga bagong dating o newcomers sa Canada. Si Stacey ay nagsasaayos ng mga pagtitipong naghihikayat sa mga magkakapitbahay na kumonekta sa isa’t-isa. Sa kasalukuyan, siya ay kasama sa lupon ng Langley Pos-Abilities Society at isa ring boluntaryo sa Langley Human Dignity Coalition at sa Langley Pride Committee.

Stacey Wakelin

Si Cindy ay mula sa Guangzhou, Tsina. Gustung-gusto niya ang masarap na pagkain atgusto niyang tulungan ang iba. Ipinagmamalaki niya ang pagiging boluntaryo sa Options.

Cindy Wu

Sumama si Daniela sa Options noong Hulyo 2021 bilang boluntaryo at ngayon isa nang nagtapos ngPsychology at Cognitive Science na naghahanap ng nararapat nyangkalagyan sa isang mundong gusto niyang tulungang likhain. Nasisiyahan si Daniela sa tahimik na paglalakad, maaraw na panahon, pagpipinta, at pagkuha ng larawan.

Daniela Peña

Si Ece ay isang bagong dating, facilitator, mananaliksik, at ang Namumuno sa Proyektong Kontra-Rasismo sa Options, na nakatuon sa pag-unawa sa mga istrakturang hadlang na pumipigil sa mga bagong dating mula sa ganap na pag-abot ng kanilang mga potensyal na kakayanan. Siya ay may Master's degree sa Sosyolohiya mula sa SFU. Ang kaniyang mga interes ay pagsusuri sa patakaran, diplomasyangkultural, pandaigdigang imigrasyon, pati na rin ang hiking, at pagluluto.

Ece Arslan

Pinag-aralan ni Geonsik Park ang social work at nagtrabaho siya sa South Korea. Nandayuhan siya sa Canada noong 2017. Kasalukuyan siyang nagtuturo ng iba't ibang paksa at nais niyang patuloy na matuto nang malalim para sa kanyang propesyon. Gustung-gusto niyang manood ng soccer at pagbibisikleta. Sa kanyang libreng oras, gustung-gusto niyang magluto para sa kanyang pamilya.

Geonsik Park

Naniniwalasi Jagpreet na ang paglilingkod sa kanyang komunidad ay ang kanyang sinisintaat layunin. Ang panghihikayat niyang manindigan sa iba ay paggalang at pagbubuklodpara sa lahat. Gusto niyang sundin ang kinapupusuan niyang pagtulong sa iba at iyanang dahilan kung bakit siya ay nag-aaral para ng Bachelor of Applied Psychologysa Douglas College.

Jagpreet Debad

Sumama si Janice sa Options bilang boluntaryo noong 2021. Nagtatrabaho siya bilang facilitator, na nagpapadali sa mga estudyanteng internasyonal na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral at maging matagumpay sa Canada. Sa kanyang pagdating sa Canada bilang internasyonal na estudyante sa umpisa, gustong tulungan ni Janice ang mga bagong dating na tanggapin ang pagkakaiba-iba sa Canada.

Janice Xie

Si Lin ay isinilang at lumaki sa Tsina. Bilang dating mamamahayag sa radio, mayroon siyang matinding damdamin at pag-uusisa sa mundo, at hindi kailanman titigil sa katapatan niya sa pagtulong sa iba. Sa gawain niya bilang isang malayang trabahador na tagapagsalin pangunahin sa proteksyonng kapaligiran, naniniwala si Lin na bawat hakbang ay nabibilang sa pagtataguyod ng pagkakapantay-pantay at hustisya. Nadarama niyang siya’y nabigyang-kapangyarihan at pinagyaman sa pagiging nyang bahagi ng kampanyang ito.

Lin Lin

Si Lucy ay isang imigrante at nasa Canada nang dalawa't kalahating taon. Gustung-gusto niyang makipag-ugnayan sa mga tao mula sa iba't ibang bansa at tumulong sa mga bagong dating. Sumali siya sa proyekto bilang boluntaryo noong nakaraang taon at sinusuportahan niya ang proyekto sa pamamagitan ng pagsasalin at pasilitasyon para sa komunidad na nagsasalita ng Mandarin.

Lucy Li

Sumama si Marseel sa Options noong Hunyo2021 bilang boluntaryo. Nandayuhan siya sa Canada mula Iraq noong 2013.Nasisiyahan siyang tumulong sa mga bagong dating at magkipagkaibigan at gumawang koneksyon. Sa kanyang libreng oras, gusto niyang maglakad-lakad sadalampasigan, tuklasin ang mga bagong parke at nakatagong mga nakatagong yaman nglungsod.

Marseel Al-hirmiz

Si Nancy ay bago sa Canada mula sa Tsina. Nakahanay sa kanyag damdamin sa karapatang pantao, pagkakapantay-pantay, atpagtulong sa iba sa kanyang pag-aaral at trabaho, pinag-aralan ni Nancy angInternational Law at nagtrabaho bilang abugado at mangagawang panlipunan.Nagboluntaryo rin siyang magbalik nang kabutihan sa komunidad, sa pamamagitanng iba't ibang proyekto gayundin sa pagbibigay ng legal na suporta. Naniniwalasi Nancy na ang bawat maliit na aksyon ay makalilikha ng ikabubuti ng komunidad.

Nancy Yiwen Zhang

Si Paniz ay isang nagtapos ng internasyonal na medikal na lumipat mula sa Iran patungo sa Canada noong 2020. Nasisiyahan siyang nakakikilala ng mga bagong tao, nakakahanap ng mga bagong kaibigan, nakakadinig sa kanilang mga kuwento at nakaka-unawa sa kanilang mga paniniwala at kanilang magagandang kultura. Ang pagtulong sa mga tao na matamasa ang kanilang buhay at pagmasdan ang kanilang mga ngiti, para sa kanya, ay higit pa sa lahat. Sa kanyang libreng oras, bumubuo siya ng mga gawangkamay, nagbabasa ng mga aklat, o sumusubok ng mga bagong pagkain.

Paniz Fathi

Sumama si Poonam sa Options noong 2021. Nagboboluntaryo na siya sa dalawang di-kumikitang organisasyon sa iba't ibang proyekto bilang facilitator, tagapagsalin, interpreter, at katulong ng guro. Gustung-gusto niyang makihalubilo at makilala nang mabuti ang mga tradisyon ng iba't ibang kultura. Naniniwala siya sa isang di-mapanghusgang pag-aasal, pagdamay, at laging bukas ang kanyang kaisipan sa mga bagong kaalaman at mga bagong ideya.

Poonam Mahendru

Nandayuhan si Soroosh sa Vancouver nang wala pang isang taong nakararaan upang ituloy ang kanyang pangarap na maging isang pampamilyang manggagamot sa Canada. Gustung-gusto niyang malaman ang tungkol sa halos lahat, mula sa paglalaro, patungo sa isports, at maging sa pulitika. Gustung-gusto niyang mahanap ang ugat ng mga kumplikadong isyu; at sa pagsunod sa interes ng kanyang puso, hinahangad niyang pagbutihin ang kalidad ng buhay sa lipunan na kanyang kinabibilangan, kapwa para sa kanyang sarili at sa mga henerasyong darating.

Soroosh Salehabadi

Si Ted ay bago sa Canada, at sumali siya sa Options bilang boluntaryo noong 2021. Gusto niyang makipagkaibigan sa mga tao, at matuto pa mula sa kanila. Mahilig siyang magbasa, magluto, at mag-ukol ng kalidad na oras kasama ang kanyang pamilya.

Ted Cao

Maraming Salamat!

Ang proyektong ito ay naisagawa sapamamagitan ng pagpopondo mula sa IRC at Community Foundations ng Canada, na aminglabis na pinasasalamatan. Nais naming pasalamatan ang lahat ng taong nag-ambagng kanilang kontribusyon sa proyektong ito. Pinahahalagahan namin ang ambag ngmga bagong dating sa Canada na nakilahok sa interbyu ng mga focus groups atibinahagi ang kanilang mga kuwento. Salamat sa mga tagapayo na nag-asikaso samga online workshops para talakayin ang rasismo: Mary Kam, Diana Franco Yamin,Afsoun Goulchin, Ola Abugharbiyeh, at Saira Hayre. Nais din naming ipakita angaming pasasalamat kay Priscilla Omulo at Minelle Mahtani na nakibabagi sapag-uusap bilang mga panauhing tagapagsalita at tinulungan kaming palawakin angaming mga pananaw. Kinikilala namin ang malaking suporta ng Surrey RCMPDiversity at Indigenous Peoples Unit, kapwa para sa kamangha-manghang "Trainthe Trainer" workshop, na pinamunuan nila para sa aming mga Kampeon ngKomunidad at ang kanilang buong suporta sa aming Report Racism workshops.  Sa huli, gusto naming pasalamatan ang mga kasosyo saaming komunidad at sa mga kawani ng Options Community Services, na nagbigay ngmahalagang puna tungo sa pagpapaunlad ng mga mapagkukunan at sumuporta sa amin namakaugnay ang malawak na hanay ng mga miyembro sa komunidad upang madagdaganang kamalayan sa rasismo

Tungkol sa Options Community Services

Ang Options Community Services (OCS) ay isang Canadian non-profit, registered charity na nagbibigay ng mga serbisyong panlipunan (social services) sa mga lungsod ng Surrey, Delta, White Rock at Langley sa British Columbia. Kami ay isang makabago at respetadong lider sa komunidad na aming pinagsisilbihan. Binubuo ng iba’t-ibang indibidwal at programa ang OCS na nagkakaisa sa hangaring tulungan ang mga taong tulungan ang kanilang mga sarili at magtaguyod ng mga ligtas, malulusog, at masisiglang mga komunidad. Pinapatnubayan ng pagkakaiba-iba (diversity), integridad, pagiging mapamaraan (resourcefulness), pakikipagtulungan at kahusayan, ang aming vision ay nagpapasigla ng pag-asa at pagkakabilang (belongingness) para sa lahat.

Maraming anyo ang pagkakaiba-iba o diversity sa aming komunidad. Ipinagdiriwang ng OCS ang mayamang diversity na ito. Ginagabayan kami ng prinsipyong ang diversity ay nagpapayaman at nagbibigay-kapangyarihan sa buhay ng lahat ng mga tao.

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Options Community Services, mag-click dito.

Makipag-ugnayan sa amin

Malugod naming tinatanggap at pinahahalagahan ang inyong mga puna, komento, at mga katanungan tungkol sa aming website.

Thank you! Your submission has been received!
Oops! Something went wrong while submitting the form.