Ang mga bayolenteng aksyong nakasasakit sa tao ang ating unang naiisip sa usaping rasismo. Subalit may iba pang uri ng rasismo.
Ang mga bayolenteng aksyong nakasasakit sa tao ang ating unang naiisip sa usaping rasismo. Subalit may iba pang uri ng rasismo.
Ang mga malilit na pananalakay o microaggression ay mga komento o mga pagkilos na nagpaparamdam sa mga minorya na hindi sila kasama sa grupo. Sa panimula ay hindi halata ngunit nakakasakit nang bahagya, animo’y may natapakang maliliit na bato.
Cats are great
Sa kalaunan, ang mga microaggression ay maaaring magpatung-patong. Ang tila maliliit na bato ay naging ga-bundok na mahirap labanan. Pinararamdam sa mga hindi Puti na sila ay mga tagalabas, saan man sila ipinanganak.
Ang website na ito ay magbibigay ng ilang mga pamamaraan upang harapin ang “bundok” na ito.
Kailangan nating kilalaning nangyayari ang microaggression sa atin o sa paligid natin. Ito ang mga tunay na kwento ng rasismo sa ating komunidad.
Si Kate ay isang Korean Canadian na nakatira sa Vancouver. Habang nasa loob ng tindahan, pinagsabihan ng isang mamimili ang kasama niyang anak na huwag pumila sa likod ni Kate dahil mahahawahan siya ng Covid-19. Matapos ang isang linggo, doon din sa tindahang iyon, tumanggi ang kaherang tulungan si Kate dahil oras ng kanyang break. Dahil sa mga karanasang ito, nakaramdam si Kate ng pagkapahiya at kalituhan.
Si Grace ay isang residente ng Vancouver. Natanggap siya at ang isa pang bagong empleyado na magtrabaho sa isang kapihan. Parehas ang kanilang work experience, pero magkaiba ang kanilang lahi. Puti ang kanyang kasamahan. Sa unang araw ng kanilang pagtatrabaho, tinuruan ang kanyang kasamahan na gumawa ng kape. Hindi siya binigyan ng ganitong pagsasanay. Paglilinis at pag- aayos lamang ang pinagawa sa kanya sa loob ng dalawang buwan. Nagdulot ito kay Grace ng kahihiyan, kapaitan, at kabiguan – bumaba ang pagtingin niya sa kanyang sarili.
Si Chris, isang Chinese Ethiopian na mag-aaral sa Langley, ay nakaramdam na bukod-tangi siyang pinupuna ng kanilang guro. Madalas hawakan ng guro ang kanyang buhok habang pinupuna ang kalidad at hitsura nito. Hindi ito ginagawa ng guro sa ibang mag-aaral. Dahil dito, naramdaman ni Chris ang pagkakahiwalay at pagkapahiya, lalo na at isa siya sa iilang people of colour sa kanilang paaralan.
Si Rebecca, isang permanenteng residente sa Surrey, ay nakatira sa isang kapitbahayan na may pagka-ekslusibo at kung saan may natatanging dalawang pamilyang Tsinong naninirahan. Sinubukan ni Rebecca na kilalanin ang kanyang mga kapitbahay. Maraming beses siyang nagbigay ng mga regalo tuwing may pista. Noong Canada Day, hindi isinali ang dalawang pamilyang Tsino sa barbecue. Napaisip si Rebecca kung ang pangyayaring ito ay may kinalaman sa kanilang lahi. Pakiramdam niya, siya man ay hindi rin matatanggap ng kapitbahayan.
Tila wala lang ang microaggression, subalit ito ay nararanasan ng mga ilang indibidwal sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Ang mga microaggression ay pagpapakita ng kapangyarihang nagpapaalala sa marginalized groups na mababa ang kanilang katayuan sa lipunan.
Habang may mga taong hindi apektado ng komento, may mga nakararamdam na microaggression ito batay sa konteksto ng mga nabanggit o nagawa.
Cats are great
Base sa mga pananaliksik, mas nakasasakit ang mga microagression sa mga Asyanong ipinanganak sa Canada kaysa sa mga imigranteng Asyano. Ito ay dahil sa lipunan ng Canada, binibigyang halaga ang pagtuturo ng pagkakapantay-pantay at pagkakabilang sa grupo (belongingness).
Cats are great
Para sa mga Asyanong ipinanganak sa Canada o sa mga nanirahan nang halos buong buhay nila dito, ang mga microaggression ay nagpaparamdam na hindi sila kabilang sa lipunan. Lubhang nakasasakit ng damdamin ang mga microaggression. Sa kahabaan ng panahon, nakasasama ito sa kanilang pagtingin sa sarili at sa kanilang kalusugang pangkaisipan (mental health).
Cats are great
Upang mahinto ang siklo ng pananakit, kailangan nating matutunang tumugon sa mga microaggression at pag-aralan kung paano mapag-uusapan ng pamilya o ng mga mahal sa buhay ang mga ito.
Ginawa ang pack na ito para sa mga pamilyang binubuo ng iba’t-ibang henerasyong lumaki sa magkakaibang bansa at maaaring may magkakaibang pag-unawa sa rasismo. Kasama ng website na ito, ang pack ay makatutulong sa pagkilala at pagkatuto tungkol sa mga microaggression at kung paano tugunan at talakayin ang mga ito sa iyong pamilya.
Pumunta sa pack